MANILA, Philippines – Nakuha ng awiting “Walang Hanggan” ang titulong song of the week sa unang producer’s pick episode ng A Song of Praise Music Festival (ASOP), Linggo ng gabi.
Nakiliti sa mala-R&B genre nito ang panlasa ng mga huradong sina Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado at Doctor Musiko Mon Del Rosario.
“Masaya kasi ‘yung second chance. ‘yung sobrang favor na binigay ng Lord sa’min at saka ng ASOP ‘yung chance. Kaya nagpapasalamat kami sa ASOP,” masayang pahayag ni Benedict Sy, ang composer ng awiting Walang Hanggan.
“God really surprises like no one else talaga. Sobrang grateful… na nabigyan ng second chance and mas gusto ko pong pagbutihan,” saad naman ni Daryl Reynes, ang umawit ng Walang Hanggan.
Samantala, mas lalong humanga sa mga ASOP entry na kalahok ngayong taon ang magkabiyak na panauhing hurado na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.
Ayon kay Jessa, “Lalo pang gumanda…lalo pang… basta… iba… iba ‘yung experience na maging judge dito sa ASOP. Na mapakinggan ‘yung mga songs na talagang para sa Panginoon… nakakatuwa tsaka kasi ang dami talagang mga talented na mga Pinoy na hindi mo akalain.”
“This show is just a testament of how good… I mean… how many good songwriters we have. Hindi lang nabibigyan ng exposure. Ito nagagawa ng show na ‘to e. Nabibigyan sila ng exposure. Na e-encourage natin ang mga bagong mga henerasyon ng mga song writers. And that’s one thing na ina-advocate kasi namin sa OPM ‘di ba,” saad naman ni Dingdong. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)