MANILA, Philippines – Magpapatupad ng balasahan sa mga district director ang bagong pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo, kasama sa kanyang prebilehiyo ang pumili ng magagaling na tauhan.
“That would be part of my program, continuous evaluation and assessment of the performance of our police officers as well as the police.”
Ayon pa sa heneral, wala namang dapat ikabahala ang mga opisyal na nagtatrabaho ng maayos. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)