MANILA, Philippines — Ilalagay sa full-alert status ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) simula sa Biyernes, Hulyo 19.
Ayon kay NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo, ito’y upang masiguro ang kaayusan at seguridad sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III sa Lunes, Hulyo 22.
“Merong mga pockets of rallies na medyo hindi nagtapos ng kanais-nais at ito ang pag-aaralan ng ating kapulisan.”
Sinabi pa ng heneral na bagama’t may natanggap silang pagbabanta mula sa mga raliyista ay hindi ito dapat ikabahala ng mamamayan.
“Ito pong sinasabi ko wala po itong kinalaman sa terorismo at kriminalidad, we always assure when we plan there is always to be a threat, and what matters is how we respond to the threat,” ani Garbo.
Tiniyak rin ng opisyal na ipatutupad nila ang maximum tolerance sa darating na SONA ng pangulo at pag-aaralang mabuti kung kailan dapat arestuhin ang mangugulo at mananakit na raliyista. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)