UNTV GEOWEATHER CENTER ( 11am, 12/31/14) – Humina ang bagyong Seniang na taglay na lamang ang lakas ng hangin na 55kph.
Kaninang 9am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 245 km South Southeast of Cuyo, Palawan.
Tinatahak nito ang direksyong West Southwest sa bilis na 13kph.
Ibinaba sa signal number 1 ang babala ng bagyo sa Palawan kung saan mararanasan ang mga pagulan at pagbugso ng hangin sa loob ng 36hrs.
Kung hindi magbabago ang direksyon nito ay posibleng hindi na tumama sa Palawan subalit maaapektuhan parin ang dulong katimugan ng Lalawigan.
Mapanganib na pumalaot sa mga baybayin ng Luzon at Visayas dahil sa taas ng mga pag-alon. (Rey Pelayo / UNTV News)
END