Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Seniang, papalapit na sa Palawan

$
0
0

 

gwsi 2 5am123114_

 

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/31/14) – Napanatili ng bagyong Seniang ang taglay nitong lakas ng hangin na 65kph at pagbugso na 80kph.

Namataan ito ng PAGASA sa layong 150km sa Southwest ng Cuyo, Palawan at kumikilos ito pa-Southwest sa bilis na 13kph.

Nakataas ngayon ang Signal #2 sa Palawan kung saan mararanasan ang masungit na lagay ng panahon habang nakataas naman ang Signal #1  sa Calamian Group of Islands at Cuyo Island na mararanasan din ang pag-bugso ng hangin.

Sa forecast naman ng weather agency, mararanasan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Visayas, Bicol Region at mga probinsya ng Quezon, Mindoro, Marinduque, at Romblon.

Mahinang pag-ulan din ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon habang sa Mindanao ay magkakaroon din ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pag-kulog.

Mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng buong Luzon at Silangang baybayin ng Visayas.

gwsi5am123114_

Ayon sa PAGASA, maaaring ngayong tanghali o mamayang hapon ay tatama ang bagyong Seniang sa Central Palawan at inaasahang lalabas naman sa Philippine Area of Responsibility bukas ng hapon. (REY PELAYO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481