Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

16 preso ng QCPD Station 7, nakatakas

$
0
0

(PNP FILE PHOTOS)

QUEZON CITY, Philippines — Pasado alas dos ng madaling araw nitong Miyerkules nang matuklasang nakatakas sa detention cell ng Quezon City Police District Station 7 ang 16 sa 53 bilanggo.

Gamit ang lagaring bakal na ipinuslit ng dalaw ng isa sa mga bilanggo, nilagare ng mga ito ang bakal sa kisame ng kulungan upang makatakas.

Salaysay ni QCPD Director P/SSupt. Joel Pagdilao, “Ang kwento is madaling araw, nagkukwentuhan nang maingay siguro nagpalit palitan silang lagariin yung bakal nung oras na yun so yun na yung time na nakatakas tong nga to.”

Pagkumpirma naman ng isang bilanggo na si alyas Steve, “Lagaring bakal ginamit, pinutol yung dalawang side ng bakal kaya kumasya sila dun sa taas papunta nang kisame.”

“Kinilala ang labing anim na pugante na sina John Sicat, Benedict Guinto, Roberto Valdez, Roland Araneta, Wilmar Morales, Jeremy Llena, Miguel Glino, Rigor Alejandrino, Rene Flores, Alvin Lorensaga, CJ Nuque, Dennis Natividad, Thomas Evan Labutong, Emerson Castro na may kasong frustrated homicide, John Patrick Dionido na nahaharap sa kasong rape at si Robert Lacaba na agad ding nahuli ng mga awtoridad.

Nagtalaga na ng mga tracker team ang QCPD upang maaresto ang mga pugante.

Mahaharap din ang mga ito ng karangdagang reklamo dahil sa ginawang pagtakas.

Dahil sa insidente, inalis naman sa pwesto ang commander ng QCPD Station 7 na si Superintendent Wilson Delos Santos at pansamantalang papalitan ni superintendent Marlo Martinez.

Inihahanda naman ang kasong kriminal at administratibo laban sa mga pulis na nagpabaya sa kanilang trabaho.

“Sa admin case, yung serious neglect of duty. Second, dun sa criminal case yung infidelity in the custody of prisoners or detainees,” paliwanag ni Pagdilao.

Ipinag-utos na rin ng QCPD Chief na magdagdag ng bantay sa kulungan at maging istrikto sa pagrekisa sa mga dala-dalahan ng mga dalaw at magsagawa rin ng inspeksyon sa mga detention cells upang maiwasang maulit ang insidente. (VICTOR COSARE / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481