Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Seniang, isa na lamang Low Pressure Area

$
0
0

gwsi930 123114_

UNTV GEOWEATHER CENTER (9.30pm, 12/31/14) – Inalis na ng PAGASA ang anumang signal ng bagyo sa anumang lugar sa bansa matapos humina at maging isa na lamang Low Pressure Area ang bagyong Seniang.

Kaninang 8pm ay namataan ito ng weather agency sa layong 220km South Southwest ng Cuyo, Palawan.

Bagama’t humina ay maaari paring magdulot ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malalakas na mga pag-ulan sa Southern Palawan.

Matataas parin ang mga pag-alon sa mga baybayin ng Luzon at Visayas kaya’t mapanganib itong pagpalautan ng mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat. (Rey Pelayo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481