Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Iba’t-ibang grupo, naghain ng petisyon sa SC upang ipa-TRO ang fare hike sa MRT at LRT  

$
0
0

Ang pagprotesta ng iba’t-ibang grupo sa harapan ng Korte Suprema upang hilinging ipatigil ang ipinatutupad na MRT-LRT fare hike. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Bilang pagtutol ng sa pagtaas ng pamasahe sa MRT, LRT1 at LRT2, sama samang nagkilos-protesta ilang mga militanteng grupo at naghain ng petition sa Korte Suprema ng temporary restraining order para mapatigil ito.

Alas-7 pa lang ng umaga, nagtipon na ang mga miltanteng grupo sa ilalim ng Recto Station sa LRT 2.

Ang sigaw ng grupo hindi makatarungan ang pagtaas mahigit isang daang porsyento sa pamasahe sa MRT, LRT 1 at LRT 2.

Sa ngayon kasi, ang dating 15 pesos na pamasahe sa MRT mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue,  28 pesos na ngayon. Para makarating naman mula recto hanggang Santolan Sakay ang LRT 2 aabot na sa 25 pesos ang pamasahe. Habang trenta pesos mula baclaran hanggang Roosevelt Avenue kung sakay ka naman ng LRT 1

Ang taas pasahe na ito, malaking pasanin sa mahigit 1.3 million commuters lalo na’t tumataas din ang presyo ng bilihin.

Kaya naman, bitbit ang kanilang mga placard at tarpaulin, nananawagan ang mga grupo na, bawiin ng Department of Transportation and Communication ang mandato sa dagdag pasahe.

Nag-martsa ang mga grupo hanggang Korte Suprema at naghain ng petition for issuance of temporary restraining order para ipatigil ang taas pasahe.

Ayon sa Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan na si Renato Reyes, Illegal ang fare increase at wala umano kapangyarihan si DOTC Sec. Abaya na itaas ang pasahe sa mga tren gayong hindi ito sumailalim sa public hearing. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481