Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

World News Round Up (January 05)

$
0
0

Pauline Cafferkey was transferred on to a Hercules transport plane at Glasgow Airport in Scotland on 30 December.(Reuters/Stringer)

British nurse na may Ebola, nasa kritikal na kondisyon

Nasa kritikal na kondisyon ang isang British nurse na tinamaan ng sakit na Ebola.

Ang nurse na kinilalang si Pauline Cafferkey ay ginagamot sa Royal Free Hospital sa Great Britain.

Si Cafferkey ang kauna-unahang na-diagnose na may sakit na Ebola sa naturang bansa.

Ngayon ay nasa specially designed tent ang 39-anyos na nurse upang makontrol at maiwasan ang panganib na dala ng nakamamatay na virus.

Sa tala ng World Health Organization (WHO), umaabot na sa halos 8,000 tao ang namatay dahil sa Ebola, habang nalagpasan na nito ang 20,000 na nahawaan ng sakit sa Sierra Leone, Liberia, at Guinea.

 

Bumagsak na AirAsia plane, walang lisensya na lumipad sa rutang Surabaya-Singapore sa araw ng linggo

Inihayag na ng Indonesian authorities na wala pa lang lisensiya ang AirAsia na bumiyahe sa Surabaya-Singapore rout tuwing araw ng linggo.

Magugunitang araw ng linggo nang bumagsak ang AirAsia sa karagatang sakop ng Indonesia.

Ayon sa ministry of transport ng Indonesia, ang nasabing airline ay pinapayagan lamang na bumiyahe ng apat na beses sa loob ng isang linggo, hindi kasama ang araw ng linggo.

Maliban rito, iimbestigahan din ng Indonesia ang iba pang airlines na nag-o-operate sa nasabing bansa para siguruhing sumusunod ang mga ito sa license agreements.

Sinabi naman ng Indonesia AirAsia CEO na si Sunu Widyatmoko na makikipag-ugnayan sila sa mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Hindi na rin sila maglalabas ng anumang impormasyon hanggang hindi pa tapos ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Sa ngayon ay aabot na sa 34 ang bilang ng mga bangkay na na-recover sa bumagsak na AirAsia flight QZ8501.

 

2 nawawala, mahigit 30 bahay tinupok ng apoy sa pananalasa ng bushfire sa South Australia

Dalawa ang nawawala at mahigit 30 bahay na ang tinupok ng bushfire sa South Australia.

Tatlong araw nang inaapula ng mahigit 500 fire-fighters ang bushfire na umabot na sa Adelaide Hills.

Daan-daang pamilya na ang lumikas ng kanilang tahanan at ang ilan ay sapilitan nang pinaalis ng mga awtoridad kahit walang dalang kagamitan. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481