Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga biktima ng banggaan ng 3 tricycle sa Cabanatuan City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang UNTV News and Rescue Team Nueva Ecija sa pagtulong sa isa sa mga biktima ng banggaan ng 3 tricycle sa Cabanatuan City. (UNTV News)

CABANATUAN CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng tatlong tricycle sa harapan ng isang gasolinahan sa Brgy. Bantog Norte, Cabanatuan City, pasado alas-7 kagabi, Linggo.

Ayon kay Marcos Villarte, security guard ng gasolinahan, papaliko na sana ang isang delivery tricycle na may kargang mga gulay at bigas sa gasolinahan upang magpa-gasolina nang magkasunod na banggain ng dalawang tricycle na kapwa mabilis ang takbo.

“Yung kolong kolong, nawalan daw ng gas dyan sa gawing Valle Cruz kaya nagtulak na lang sila marami raw silang nagtutulak kasi may nakita pa akong bata, bigla raw silang kumaliwa eh dumarating nga yung kasunod eh siguro nakauyot hindi na nakapagpreno bigla nang nagkalabugan,” salaysay ni Villarte.

Aminado si Jervie Ocampo na nag-overtake siya sa isa pang tricycle kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela at mabangga ang delivery tricyle.

Sugatan ang dalawang driver na sina Antonio Banding Jr. at Jervie Ocampo dahil sa aksidente.

Kaagad namang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima.

Matapos malapatan ng pang-unang lunas ang mga biktima ay isinugod ng UNTV News and Rescue Team sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center ang si Jervie upang masuri ng mga doctor.

Tumanggi namang mgpadala sa ospital si Antonio Banding at hinintay na lamang ang pgdating ng kanyang mga kaanak.

Samantala, wala namang tinamong pinsala ang driver ng delivery tricycle na si Louel Gabriel. (Grace Doctolero / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481