Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ikatlo at ikaapat na petisyon kontra taas-pasahe sa MRT at LRT, inihain sa Korte Suprema

$
0
0

BAYAN MUNA Partylist Representatives Carlos Isagani Zarate at Neri Colmenares (UNTV News)

MANILA, Philippines – Dalawa pang petisyon ang inihain sa Korte Suprema ngayong araw ng Martes laban sa ipinatupad na taas-pasahe sa MRT at LRT.

Hinihiling ng grupong BAYAN MUNA, ABAKADA at United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) na maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court kaugnay sa ipinatupad na fare increase.

Nitong Lunes, dalawang petisyon din ang inihain sa kataas-taasang hukuman na humihiling ng TRO sa taas-pasahe ng mga Mass Rail Transit system sa bansa.

“Unjustified ito, parang gusto uli nilang gawin ang DAP,” pahayag naman ni BAYAN Muna Rep. Neri Colmenares.

“Ang aming argument ay walang jurisdiction ang DOTC sa fare hike,” saad pa nito.

“Hindi ito dumaan sa demokratikong proseso, public hearing. Itinuturing natin ang mga pasilidad na ito na serbisyo at hindi negosyo,” saad naman ni UFCC President RJ Javellana

“We’re also calling on Sec. Abaya’s resignation, di lamang sa usapin ng MRT at LRT,” dagdag pa nito. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481