Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sec. Mar Roxas, nagpasalamat at ipinagmalaki ang trabaho ng mga pulis noong 2014

$
0
0

Si DILG Secretary Mar Roxas sa pagbibigay nito ng pagpapasalamat at pagmamalaki sa PNP sa pagdalo nito sa New Years call. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Kasabay ng New Year’s call ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ay nagpahayag ng pasasalamat at pagmamalaki si NAPOLCOM Chairman at DILG Secretary Mar Roxas sa mga tauhan at opisyal ng pambansang pulisya.

Ipinagmalaki ng kalihim ang maayos na pagganap sa tungkulin ng mga ito laban sa krimen sa pamamagitan ng “Oplan Lambat Sibat.”

Ayon kay Roxas, mula sa isang libong krimen na naitatala noon sa National Capital Region kada linggo ay bumaba ito sa kalahati base sa kanilang monitoring simula noong nakalipas na walong linggo.

“Incidents of robbery, theft, carnapping, motorcycle napping mula sa batayan na yan na 1K incidents per week, nitong nakaraang halos 8 linggo including the Christmas season ay nasa 500 na lamang ng bilang ng kriminalidad.”

Iginiit pa nito na nasa 30% na rin ang nahuhuling most wanted person, samantalang 139 na ang kanilang naipakukulong mula sa 440 na pinaghahanap ng batas.

“Malaking kontribusyon ito sa paghahanap ng katarungan ng mga naging biktima nila at sa pag-prevent sa muling paggawa nila ng krimen sa mga darating pang panahon,” saad pa ni Roxas.

Ipinagmalaki din ng kalihim ang ginawang pagtatrabaho ng mga tauhan ng PNP noong panahon ng Bagyong Ruby at Bagyong Seniang.

Nanguna noon ang mga pulis sa pag-rescue at pagtulong sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo.

Kaugnay nito, nagpasalamat din si Roxas sa asawa ng mga opisyal na patuloy na umuunawa lalo na sa mga panahong hindi nakakauwi ang mga ito sa kanilang mga tahanan dahil sa pagtupad sa kani-kanilang tungkulin sa bayan. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481