Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pinoy survivor sa lumubog na cargo ship sa Vietnam, dinala na sa Philippine Embassy

$
0
0

Google Maps: Vung Tau City, Vietnam

MANILA, Philippines – Dinala na sa Philippine Embassy sa Vung Tau City sa Vietnam ang nag-iisang survivor sa lumubog na cargo ship na Bulk Jupiter.

Ayon sa state-run Vietnam news agency, si Angelito Capindo Rojas, chef ng barko ay nasa maayos na kalagayan.

Sa huling ulat ng maritime rescue forces mula sa Ba Ria-Vung Tau, dalawa pa lamang ang kanilang nare-recover na bangkay at 16 pa ang nawawala.

Ang dalawang bangkay ay dadalhin din sa Philippine Embassy ngayong araw.

Nabatid na ang Bahamas nationality ship na may 19 crew ay lumubog 150 nautical miles sa Vung Tau southeastern coast noong January 2, lulan ang iron ores mula Malaysia na dadalhin sa China. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481