Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DOTC Sec. Abaya, pinagbibitiw ng ilang senador dahil sa MRT-LRT fare hike

$
0
0
FILE PHOT: DOTC Secretary Joseph Emilio "Jun" Aguinaldo Abaya sa pagsakay nito sa MRT noong nakaraang taon upang masubukang personal ang pagbiyahe sa naturang transportasyon. (UNTV News)

FILE PHOT: DOTC Secretary Joseph Emilio “Jun” Aguinaldo Abaya sa pagsakay nito sa MRT noong nakaraang taon upang masubukang personal ang pagbiyahe sa naturang transportasyon. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Walang dahilan upang manatili sa pwesto ang mga opisyal ng Departmentof Transportation and Communication (DOTC) kung mapatutunayan ng Senado na hindi makatwiran ang ipinatupad na taas-pasahe sa MRT at LRT.

Ayon kay Senate Majority Floor Leader Alan Peter Cayetano, dapat magpaliwanag si DOTC Secretary Abaya sa lalong madaling panahon at ipakita sa publiko na makatwiran ang MRT at LRT fare hike.

“I said the word resignation in 2 context, context kung mapatunayan na niloloko nila ang tao at di kailangan ng ganung kalaking increase wala tayong choice kundi sabihin na ang tao ay walang kumpiyansa sa kanila.”

Nilinaw naman ni Cayetano na kaibigan nito si Abaya at suportado niya ang ibang repormang ginawa ng kalihim.

Ganito rin ang opinyon ni Senador Nancy Binay. Kung sa palagay umano ni Abaya hindi niya nagampanan ng maayos ang kanyang trabaho ay kailangan na niyang magbitiw sa pwesto.

Inihahanda naman ni Senator JV Ejercito ang resolusyon upang magsagawa ng pagdinig sa MRT at LRT fare hike.

Ihahain ni Ejercito ang resolusyon sa pagbabalik ng sesyon ng senado sa susunod na linggo.

“Magkaroon ng pagdinig para sa pagtaas ng MRT at LRT fare hike ngayong January,” anang senador.

“Dapat ipakita muna ng LRT at MRT na maiayos nila serbisyo nila,” saad pa nito.

Sa kabila ng batikos, nirerespeto naman ng palasyo ng Malakanyang ang pahayag ng ilang senador.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na tututukan nila ang pagsasaayos ng serbisyo MRT system sa bansa.

“Patuloy po nating iimprove ang serbisyo ng ating MRT system. Ito na pong taon na ito maraming mga renovations, rehab projects ang gagawin natin pagdadagdag ng light rail vehicles, mga bagon.” (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481