Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Problema sa sistema at ilang tauhan ng NBP, pinareresolba ng Palasyo sa DOJ

$
0
0

(LEFT – RIGHT) Presidential Spokesperson Edwin Lacierda and DOJ Sec. Leila De Lima (UNTV News)

MANILA, Philippines – Patuloy na gumagawa ng hakbang ang Department of Justice (DOJ) upang maresolba ang problema na kinakaharap ng Bureau of Corrections (BuCor) partikular ang New Bilibid Prison (NBP).

“Ongoing pa ang various operations namin in addressing the perennial problems besetting BuCor, particularly NBP, and especially the drug problem ongoing din ang measures on the renovation,” pahayag ni Justice Secretary Leila De Lima.

Ayon sa Malakanyang, napatunayan na epektibo ang mga inspeksyon na ginagawa ng DOJ sa mga piitan sa bansa, subalit kinakailangan pa rin na magpatupad ng isang malawakang reporma sa NBP.

Isa sa malaking problema na nakikita ng Malakanyang na nararapat masolusyunan ay ang sistema at ilang tauhan ng NBP na kumukunsinti sa mga ilegal na gawain ng mga inmate.

“It’s systemic and personnel right, I mean you’ve got people who are being bribe, I mean these things don’t happen without cooperation from those penitentiary officials,” pahayag ni Presidential Spokesperson Sec. Edwin Lacierda.

Samantala, nakahanda naman si Secretary Leila De Lima na harapin ang isinampang human rights violation complaint ng mga kaanak ng mga drug lord na nakitaan ng marangyang pamumuhay sa loob ng NBP.

“Seriously, we are ready to face all lawsuits being filed and to filed by those representing these inmates. Nag-constitute na ng special team yung OSG to handle these cases. I’m standing by my positions and actions in relation to those drug inmates, both as a matter of duty and a matter of principle,” saad pa ni De Lima.

Sa kabila ng naturang isyu, tiwala pa rin ang Malakanyang na maipatutupad ng DOJ ang reporma sa pambansang piitan. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481