Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagpapabuti sa serbisyo ng LRT at MRT, posibleng sa huling bahagi pa ng 2015 maramdam ng mga commuter

$
0
0

FILE PHOTO: MRT train (Mychaela Castro / Photoville International)

MANILA, Philippines – Matapos magpatupad ng dagdag pasahe sa MRT at LRT, kumpiyansa ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na makapagbibigay ng maayos na serbisyo pagsapit ng huling bahagi ng 2015.

Ayon kay DOTC Spokesperson Atty. Migs Sagcal, posibleng sa third quarter pa lamang ng 2015 ay magsisimula nang maramdaman ng mga mananakay ang ilang mga pagbabago sa serbisyo ng MRT at LRT.

“By the 4th quarter medyo confident na po kami na marami na pong mararamdaman, ibig sabihin yung reliability… Reliability, ibig sabihin wala nang glitches, walang aberya,” saad nito.

Bukod sa 48 bagong bagon, papalitan din ng DOTC ang mga riles ng tren, kasama rin dito ang pag-upgrade ng mga signaling system at overhauling sa mga tren, maging ang rehabilitasyon ng ilang pasilidad sa mga istasyon gaya ng elevator, escalator at mga comfort room.

Sakaling maglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa dagdag pasahe, tiniyak ng DOTC na magpapatuloy pa rin ang mga isasagawang improvement sa MRT at LRT.

Sa panayam ng programang “Get it Straight with Kuya Daniel Razon”, inamin ni Sagcal na kulang ang inilaang budget ng kongreso para sa total improvements ng mga tren kaya’t kinailangan umanong ipatupad ang fare hike.

“Given this allotment from the GAA plus the supplementary yun ang gagamitin nyo dun sa pag-improve ng lahat ng yan eh bakit kailangan pa mag-increase eh meron na nga? Are you telling me na hindi pa sapat yun,” tanong ni Kuya Daniel Razon kay Atty. Sagcal.

“Ay hindi po, yun po ang sinasabi ko 15 years old na po ang MRT wala pa rin po yang upgrades,” saad naman ng abogado.

Dagdag pa ni Sagcal, target ng ahensya na gawing world-class ang serbisyo ng MRT at LRT sa mga commuter kung kaya’t kakailanganin ang malaking pondo para dito.

“Ang gusto naming gawin sa DOTC eh gawing world class, so medyo hindi po talaga nagtutugma. Tama po sila rehabilitation may pondo yan pero kung gusto po natin na lalo pa yang pagandahin eh kulang na kulang po yung pondo.”

Nanindigan ang DOTC na ang naturang fare increase ay bahagi pa rin ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng libu-libong commuter na patuloy na tumatangkilik sa mass transport system sa bansa. (Aiko Miguel / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481