MANILA, Philippines – Makakatanggap ng bonus sa susunod na linggo ang mahigit apat 400-libong public school teachers sa bansa.
Ayon kay Education Assistant Secretary Jesus Mateo, isinumite na nila noong Biyernes sa Department of Budget and Management (DBM) ang mga requirement para sa mga makatatanggap ng bonus.
Ang matatanggap na bonus ng mga guro ay hindi batay sa individual performance ng mga ito kundi sa performance ng paaralan.
Tinatayang aabot ng P5,000 hanggang P35,000 ang halaga ng bonus na matatanggap ng mga public school teacher. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)