Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Emergency plan sa lumalalang polusyon sa hangin sa China, ipinatupad

$
0
0
FILE PHOTO: Cars drive on Jianguo Road on a heavily hazy day in Beijing. (REUTERS)

FILE PHOTO: Cars drive on Jianguo Road on a heavily hazy day in Beijing. (REUTERS)

Beijing, CHINA – Ipinatupad na ng China ang kanilang emergency plan dahil sa tumataas na antas ng polusyon sa hangin partikular sa malalaking siyudad ng bansa tulad ng Shanghai at Beijing.

Ipinag-utos ng gobyerno ng China sa mga car dealer na bawasan na ang ibinibentang sasakyan.

Nilimitahan din ng gobyerno ang pagbibigay ng drivers license lalo na sa malalaking siyudad sa bansa.

Umabot na sa 13 million ang bilang ng sasakyang naibenta ng China noong 2012 na isa sa dahilan ng pagkakaroon ng marumi at nakalalasong hangin.

Ang mga planta at anumang proyekto na hindi pasado sa assessment ng gobyerno ay hindi na rin pagkakalooban ng loan grants at supply ng tubig at kuryente.

Iminungkahi rin ng ilang eksperto na pag-aralan ng pamahalaan ang coal-heating policy nito na isa sa nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga tao.

Batay sa ipinalabas na ulat ng National Academy of Science sa Amerika nasa 55 porsyento na ang lebel ng polusyon sa China kaya maging ang life expectancy ng mga mamamayan ay umiikli na rin.

Ilan sa mga Pilipinong nasa China sa ngayon ang mahigpit na ang pag-iingat upang hindi magkasakit sanhi ng matinding polusyong nararanasan.

“Para maprotekthan ko ang sarili ko, umiinom ako ng tamang vitamis at kumain sa tama, gulay at umiinom ng maraming tubig,” pahayag ng OFW na si Ritchie Bacolod. (Dulce Alarcon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481