UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 01/10/15) – Inaasahang bukas ay papasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang Low Pressure Area na nasa Timog Silangan ng Mindanao.
Sa Huwebes ( Jan. 15 ) ay posibleng lumakas ito at maging isang bagyo na magdudulot naman ng mga pag-ulan sa Eastern Visayas at CARAGA.
Sa Biyernes naman ay inaasahang didikit ito sa Bicol region at Eastern Visayas kasama na ang Tacloban at Palo, Leyte..
Papangalanan itong “Amang” sa oras na maging bagyo at pumasok sa PAR.
Ngayong araw ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Eastern at Central Visayas maging ang Mindanao.
Ang Cagayan Valley, Cordillera at Bicol region maging ang mga probinsya ng Aurora at Quezon ay makararanas ng mahinang pag-ulan habang ang Metro Manila at iba pang Luzon ay makararanas ng papulo-pulong mahinang pag-ulan.
Ang Western Visayas naman ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan at thunderstorms. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.24am
SUNSET – 5.43pm