UNTV GEOWEATHER CENTER – Naitala kaninang madaling araw ang pinakamababang temperatura ngayong Amihan season.
Bumagsak sa 14.6’C temperatura sa Baguio City habang sa Science Garden sa Quezon City naman ay naramdaman ang 18.9’C dakong alas 5.50am.
Naitala din ang 14.6’C sa Basco, Batanes habang sa Laoag ay 15.9’C.
Ayon sa PAGASA, ngayong Enero hanggang Pebrero ang kasagsagan ng pag-iral ng Amihan kaya’t patuloy na mararamdaman ang lamig ng panahon. (Rey Pelayo/ UNTV News)