Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mexican national, arestado sa pagbebenta ng imported cocaine sa Makati City

$
0
0
Ang nahuling Mexican national na kinilala ng PDEA na si Horacio Herrera Hernandez. (UNTV News)

Mexican national, arestado sa pagbebenta ng imported cocaine sa Makati City

MANILA, Philippines – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation ang isang Mexican national na nagbebenta ng cocaine sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Horacio Herrera Hernandez, 39 anyos.

Ayon kay Atty. Roque Merdegia, Jr., PNP-AIDSOTF spokesperson, umaga pa lamang noong linggo ay nakaabang na ang mga awtoridad sa paligid ng isang hotel sa Makati Avenue, kung saan naninirahan ang Hernandez.

Sa tulong ng undercover agent ng PDEA, nasabat mula sa suspek ang mahigit 2.5 kilos ng imported cocaine na nagkakahalaga ng 125,000 euros o mahigit P12.5 million.

“Hindi ito basta-basta nakikipagkita kung kani-kanino lang. Fortunately, mayroon tayo, iyong PDEA at PNP na naka-establish ng CI na nakapagpakilala ng undercover natin doon sa suspect. “

Dagdag pa ni Merdegia, isang taon nang minamanmanan ng mga awtoridad si Hernandez na napagalaman na miyembro ng isang sindikato na nagsisimula pa lang ng operasyon sa Pilipinas.

“Nalaman natin na miyembro siya ng Mexican Sinaloan Group Cartel kasama siya sa nag-establish dito sa Pilipinas, at lumalakad din siya, nagbebenta din siya ng droga, cocaine at shabu.”

Samantala, iniimbestigahan na ngayon ng PNP at PDEA kung papaano nakapasok ang imported na cocaine sa bansa.

“Ang cocaine na ito hindi po ito galing sa Samar, iyong mga naunang Cocaine. We heard ito ay galing sa labas ng Pilipinas na ipinasok ni Horacio at inaalam natin kung papaano ipinasok sa 2.5 kilograms of cocaine. At ang PDEA nakikipagugnayan na ngayon sa customs at sa ibang mga ahensya,” pahayag pa ni Merdegia.

Habambuhay na pagkakakulong na walang piyansa ang posibleng kaharapin ni Hernandez dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2002).

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP at PDEA sa mga posible pang kasamahan ni Hernandez sa ilegal na operasyon. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481