Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Turismo sa Albay, balik-sigla na!

$
0
0

Ilan sa mga lokal na turista na naliligo sa Vera Falls, Brgy.Soa, Malinao sa Albay. (UNTV News)

LEGASPI CITY, Philippines – Balik normal na ang pamumuhay ng mga residente sa paligid ng Bulkang Mayon, ilang linggo matapos ang isinagawang decampment sa mga evacuation center sa lalawigan.

Buwan ng Setyembre nang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa alert level 3 ang status ng Bulkan Mayon dahil sa ipinakita nitong abnormalidad.

Sa ngayon ay balik na sa paghahanap-buhay ang ilang residente subalit hindi pa rin nawawala ang kanilang pangamba na muling mag-alburoto ang Bulkang Mayon.

“Mabuti naman kuya tapos may pang-araw araw na gastusin. ‘Dun sa relocation wala, dito meron,” pahayag ni Mang Nonito Mojar.

Ayon naman kay Aling Analiza Espinas, “Medyo mahirap ng kaunti pero unti-unti maka-recover kami… Magtatanim kami para meron kaming puhunan.”

Maging ang mga tourist attraction sa Albay ay balik sigla na rin.

Sa ngayon ay dagsa na ang mga turista sa Bicol Adventure ATV Mayon Lava Trail sa Daraga, Albay na nagnanais na makita ng malapitan ang Bulkan Mayon.

“Tiningnan lang namin kung maganda yung Mayon at tsaka siyempre para bago naman yung experience namin na makikita,” ani Love Buan.

Ayon sa pamunuan ng adventure trail park, kung noon ay mangilan-ngilan lamang ang dumarating na turista, pagpasok ng buwan ng Enero 2015 ay dagsa na ang mga bumibisita rito.

“This time they can enjoy and take the ATV adventure with longer hours na gusto nilang i-take. Merong limit pa rin 3 to 5 pero kung gusto pa nilang mag libot-libot diyan kung saan much better kasi yun ang kinagandahan naman kasi nagiging ok naman and tamang tama sa pagdating ng summer this season this year,” pahayag ni Jerome Avenue, ang manager ng Bicol Adventure ATV.

Sa Vera Falls naman sa Malinao, Albay ay inihahanda na ang mga cottage para sa pagdagsa ng mga turista sa papalapit na summer season.

“Maraming pumupunta dito kumukuha ng larawan idinadownload sa Facebook o sa internet sa madaling sabi sila na lang ang nagpo-promote,” saad naman ni Mang Bonifacio Barsenas. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481