Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2 rice traders mula CDO, kinasuhan ng smuggling ng BOC

$
0
0

Ang 2 rice smugglers na sinampahan ng kaso.

MANILA, Philippines – Dalawang rice traders mula Cagayan De Oro ang sinampahan ng reklamong smuggling ng Bureau of Customs (BOC).

Kaugnay ito ng iligal na importasyon ng mahigit 1.3 million kilograms ng glutinous rice o malagkit na bigas, na may kabuuang halagang aabot sa P82.68 million.

Inireklamo sa DOJ sina Elmer Cañeta at Michael Abella, mga may-ari at proprietor ng EC Peninsula Commercial at New Dawn Enterprises, dahil sa paglabag sa Section 3601 ng Tariff and Customs Code of the Philippines o unlawful importation, at Section 29 ng Presidential Decree No. 4 o ang failure to obtain import permits.

Ayon kay Customs Commissioner John Philip Sevilla, parehong hindi naisyuhan ng National Food Authority (NFA) ng certificates of eligibility na mag-import ng bigas ang dalawang kumpanya.

Salaysay ni Sevilla, Nobyembre ng nakaraang taon pa dumating sa Port of Cagayan De Oro ang iligal na rice shipments ng EC Peninsula Commercial at New Dawn Enterprises.

Batay aniya sa import documents, idineklara ng dalawang kumpanya na naglalaman ng gypsum boards, plaster boards, kitchenware at tiles ang rice imports.

“These are misdeclared shipments. Nasa bills of trading ang laman ay bakal, tires. nung binuksan, meron naman sa loob pero maraming nakasiksik na bigas,” ani Sevilla.

“Itong nangyayari sa CDO is… is much more potentially damaging than yung sa Zamboanga kasi it’s happening on a wider scale,” saad pa nito.

Dagdag ni Sevilla, nakikipag-ugnayan na sila sa NFA sa paggawa ng mga polisiya na mas madaling maintindihan at mas magpapabuti sa compliance ng mga rice trader.

Ang NFA ang nagre-regulate ng rice imports sa pamamagitan ng minimum access volumes upang masiguro ang kaayusan ng lokal na industriya ng bigas. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481