Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Implementasyon ng ID system sa mga taxi driver, nagsimula na

$
0
0

Isa sa mga taxi na naka-sunod na sa panuntunan ng LTFRB na pag-didisplay ng driver’s ID. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nagsimula na nitong Huwebes ang implementasyon ng ID system sa mga taxi driver sa Metro Manila, alinsunod sa Memorandum Circular No. 2014-020 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ibig sabihin, kinakailangang nakasabit sa rear view ng mga taxi ang back to back ID’s ng mga taxi driver.

Deadline na din ngayon ng pagsusumite ng list of authorized taxi drivers ng mga taxi operator.

Bukas naman, Enero 16 magsisimulang manghuli ang LTFRB sa mga hindi susunod sa regulasyon.

Ayon sa LTFRB, papatawan ng multang P5,000 ang mga taxi operators na hindi susunod sa regulasyon.

Sa paglilibot ng UNTV News, karamihan ng mga taxi sa mga taxi bay ay mayroon ng ID, bagama’t may mangilan-ngilan na wala pa dahil hinihintay pa umano nila ang kanilang ID mula sa kanilang operator.

“Sinita nga ako kanina doon sa Cainta eh, mabuti naman at nabigyan ako ng ID,” saad ni Leopoldo Fajardo, taxi driver.

Ayon naman kay Felix Alba, “iyong iba hindi pa nabibigyan ng operator dahil pabago-bago sila eh.”

Paliwanag naman ng LTFRB na mas mapabibilis ang paglalagay ng ID kung ang mga operator ang mag-iisue nito dahil kilala nila ang kanilang taxi drivers.

“Pagka ang ginamit natin ay iyong unang plano ng LTFRB ang maglalabas ng ID matatagalan,” ani Arnel Del Rio, LTFRB Executive Asst, Head Public Assistance & Complaints Desk.

Hindi din pwedeng payagan na pumasada ng taxi operators ang driver na walang ID.

Pabor naman ang mga taxi driver sa regulasyon ng LTFRB upang masiguro ang seguridad ng awa’t pasahero at mabawasan ang mga reklamo sa mga mapang-abusong tsuper.

“Para mayroong record ang company, then naka-record din sa LTRFB for the safety of the passenger,” pahayag ng taxi driver na si Felizardo Zamora.

Para sa seguridad ng bawa’t pasahero, pagpasok ng taxi siguraduhing mayroong ID ang driver, tawagan o i-text ang kaanak para ipaalam ang plate number at body number na makikitang naka-imprenta sa pintuan ng taxi.

Karapatan din ng bawa’t pasahero na huwag sumakay sa mga taxi na walang nakasabit na ID at ipaabot ang reklamo sa LTFRB hotline no. 459- 21-29. (Aiko Miguel / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481