Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong “Amang”, posibleng tumama sa Northern Samar sa Sabado ng hapon

$
0
0

TS AMANG 5AM011615_

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 01/16/15) – Nagbago ang direksyon ng bagyong Amang habang papalapit ito sa bansa.

Ayon sa PAGASA, base sa bagong datos na kanilang nakalap ay posibleng bukas (Sabado) ng hapon ay tumama na ito sa Northern Samar.

Kaninag 4am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 575km sa Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75kph at may pagbugso na aabot sa 90kph habang kumikilos pakanluran sa bilis na 19kph.

Sa ngayon ay nakataas ang Signal #1 sa (Luzon) Catanduanes, Albay, Burias Island, Sorsogon, Masbate kasama na ang Ticao Island at sa Camarines Sur, (Visayas) Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran at Leyte.

Sa loob ng 36hrs ay mararamdaman sa lugar ang 30-60kph na lahat ng hangin.

Ang mga lugar na posibleng maaapektuhan sa pagdaan ng bagyo sa bansa ay ang Northern Samar, Leyte, Bicol, CALABARZON, MIMAROPA (except Palawan), Central Luzon, Metro Manila at La Union.

Delikado namang pumalaot sa mga baybayin ng Northern at Central Luzon maging sa Silangang baybayin ng Southern Luzon, ng Visayas at ng Mindanao dahil sa taas ng mga pagalon. (Rey Pelayo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481