Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Amang, nagbabantang manalasa sa Bicol

$
0
0

UNTV GEOWEATHER CENTER (11pm, 01/17/15)- Patuloy na nananalasa ang bagyong Amang sa ilang lugar sa Visayas at Luzon.

Kaninang 4am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 45km Northwest ng Catarman, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85kph na may pagbugsong aabot sa 100kph.

Kumikilos ito ng Northwest sa bilis na 15kph.

Nakataas ang aignal # 2 Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Quezon incl. Polillo Island, Sorsogon, Masbate, Aurora, Marinduque, Burias Island incl. Ticao Island. Northern Samar, Northern part of Eastern Samar and Northern part of Samar.

Sa mga nasabingnlugar ay mararanasan ang masungit na lagay ng panahon.

Signal # 1 Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Viscaya, Ifugao, Quirino, Isabela, Oriental Mindoro and Romblon . Rest of Samar, Rest of Eastern Samar and Biliran.

Mararanasan naman dito ang mga pagulan at pagbugso ng hangin.

Kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo ay babaybayin nito ang Silangang bahagi ng Luzon.

Ang mga lugar na posibleng pibakamalapit na maapektuhan sa mga susunod na oras ay ang Bicol, Quezon, Rizal, Aurora, Isabela at Cagayan.

Mapanganib paring pumalaot sa mga baybayin ng Luzon, Visayas at Silangang baybayin ng Mindanao dahil sa taas ng mga pagalon. (Rey Pelayo/UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481