UNTV GEOWEATHER CENTER (11pm, 01/17/15)- Bahagyang humina ang bagyong Amang habang tinatahak ang direksyon patungong Bicol.
Kaninang 10pm ay namataan ito ng PAGASA sa Catarman, Northern Samar.
Bahagya itong humina sa 85kph na taglay na lakas ng hangin na may pagbugsong aabot sa 100kph.
Kumikilos ito ng Northwest sa bilis na 15kph.
Nakataas ang Signal #2 sa Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Southern Quezon Incl. Polillo Island, Sorsogon, Masbate, Burias Island kasama ang Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.
Sa mga nasabing lugar ay mararanasan ang masungit na lagay ng panahon.
Signal # 1 naman sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, Quirino, Isabela, Rest of Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro at Romblon, Leyte, Extreme Northern Cebu kasama ang Bantayan Island at Camotes Island.
Mararanasan naman sa mga nabanggit na lugar ang mga pagulan at pagbugso ng hangin.
Kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo ay babaybayin nito ang Silangang bahagi ng Luzon na posibleng makaapeko sa Bicol, Quezon, Rizal, Aurora, Isabela at Cagayan sa mga susunod na oras.
Mapanganib pa ring pumalaot sa mga baybayin ng Luzon, Visayas at Silangang baybayin ng Mindanao dahil sa taas ng mga pag-alon. (Rey Pelayo/UNTV News)