UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 11/19/15) – Humina ang bagyong Amang matapos itong manalasa sa Bicol.
Sa ngayon ay isa na lamang itong Low Pressure Area at namataan kaninang 4am sa Casiguran, Aurora.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region.
Sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon ay makararanas ng mahinang pag-ulan samantalang sa Visayas at Mindanao naman ay posible ring magkaroon ng mga thunderstorm o biglaang mga pag-ulan.
Delikadong pumalaot sa ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Northern at Central Luzon maging sa Eastern seaboards ng Southern Luzon. (Rey Pelayo / UNTV News)