UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 01/20/15) – Umiiral parin ang Low Pressure Area na kaninang 4am ay namataan ng PAGASA sa layong 135km sa SIlangang ng Tuguegarao City, Cagayan.
Ayon sa weather agency, makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Cagayan Valley at Cordillera habang ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon ay makakaranas naman ng papulo-pulong mahinang pag-ulan.
Ang Visayas at Mindanao naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan at thunderstorms o biglaang pag-ulan.
Delikado namang pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa sa mga baybayin ng Northern Luzon at Kanlurang baybaying ng Central Luzon dahil sa taas ng mga pag-alon. (Rey Pelayo /UNTV News)