Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Papal visit sa bansa, generally peaceful — PNP

$
0
0

PNP-OIC P/DDG Leonardo Espina (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tagumpay para sa Philippine National Police (PNP) ang inilatag nitong seguridad sa limang araw na Papal visit sa Pilipinas.

Mapayapa sa kabuuan ang itinuturing ng PNP na isa sa pinakamalaking event sa bansa.

Ayon kay PNP OIC Deputy Dir. Gen. Leonardo Espina, bagama’t walong araw na puyat at pagod ang may 28-libong pulis ay sulit na rin dahil walang anomang untoward incidents sa mga araw na nasa bansa ang pinuno ng Vatican, hanggang sa maihatid ito sa Villamor Airbase pabalik ng Roma nitong umaga ng Lunes.

Sinabi pa ni Espina na bagama’t may 14 na naitalang paglabag sa batas sa limang araw na pagbisita ng papa ay maituturing na minor incident lamang ito.

“Generally peaceful at highly commendable.”

“Konting-konti lang ang natatanggap ko personally from the national operations center in Camp Crame on the crimes that happen,” saad pa ni Espina.

Kaugnay nito ay gagawaran naman ng pagkilala at parangal ang lahat ng mga pulis na matiyagang nagbantay sa kabila ng lamig, malakas na buhos ng ulan at matinding sikat ng araw.

Ani Espina, “We will be issuing all the award and commendations, boddle fight para makapagbigay pasalamat sa lahat na naulanan at walang pahinga, nagbigay na nga kami ng instruction na mag-issue ng ribbon na lagi nilang pwedeng isuot at ipagmalaki na yun ay sa Papal visit.”

Nagpasalamat din ang PNP sa kooperasyon at disiplinang ipinamalas ng publiko. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481