Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga kasong ihahain sa mga opisyal ng DOTC kaugnay ng MRT-LRT fare hike, inihahanda na ng Bayan Muna Partylist

$
0
0

FILE PHOTO: MRT (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hindi palalampasin ng Bayan Muna Party-list ang opisyal ng pamahalaan na mapatutunayang lumabag sa batas sa pagpapatupad ng fare increase sa MRT at LRT.

Ayon kay Bayan Muna Party-list Representative Neri Colmenares, maghahain sila ng kaululang kaso sa oras na matapos na ang kanilang mga pag-aral.

Pangunahin aniyang pananagutin ng grupo ang DOTC dahil sa kaliwa’t kanang problema sa transportasyon.

“Siyempre ang DOTC sigurado na yan isa na yan sa inaaral naming sampahan.”

“Hindi naman pwedeng hayaan na lang natin na ma-impose ito na wala man lang accountability ang public officials natin lalo na sinabi nila na wala silang jurisdiction na mag-impose.”

Batay sa pagaaral ng grupo, 46% ng mga sumasakay sa MRT at LRT ay mga minimum wage earner.

Kaya kung sila ay kumikita ng P300.00 sa isang araw, 10% hanggang 20% ng halagang ito ang napupunta sa pasahe sa tren o katumbas ng P60.00.

Kaya naman nasa P240.00 na lamang ang naiuuwi nito sa kanilang pamilya.

“Nalilito na nga ang taong bayan kung ano ang tunay na dahilan ng rate increase eh dati sabi nila para ito sa rehabilitasyon ngayon binawi na nila,” saad pa ni Colmenares.

Samantala, nakatakda namang maghain ng supplemental pleadings ang kongresista sa Korte Suprema upang hilingin ang agarang paglalabas ng TRO laban sa pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481