Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ikalawang serye ng pulong ng APEC sa bansa, nakatakda na sa Jan. 26 – Feb. 7

$
0
0

FILE PHOTO: 22nd APEC Economic Leaders’ Meeting last November 11, 2014. (Photo by Gil Nartea / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Gaganapin ang ikalawang serye ng mga pulong ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Enero 26 hanggang Pebrero 6 sa Clark and Subic Freeport Zone.

Pag-uusapan sa isasagawang pulong ang mga hamon at prayoridad ng Asia Pacific Region na natalakay sa naunang Informal Senior Officials Meeting noong Disyembre 2014.

Sa susunod na pulong ng APEC ay magkakaroon ng mahigit tatlumpung serye ng working groups at committee level meetings upang pag-usapan ang 13 mahahalagang usapin katulad ng trade and investment, anti-corruption, counter terrorism, health at iba pa.

Maliban dito, magsasawa rin ang APEC ng public-private dialogue tungkol naman sa information technology and business process management, creative industries, at research and development services.

Bitbit ang tema ng APEC ngayong taon na “Building Inclusive Economies, Building a Better World”, layunin ng pulong na palakasin ang mga negosyo at kalakaran sa Asia Pacific Region upang tugunan ang hamon ng bawat ekonomiya.

Ang pulong na ito at ay paghahanda sa nakatakdang dayalogo ng mga blider at pangulo ng mga bansang kabilang sa APEC na gaganapin sa Nobyembre ng taong ito. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481