MANILA, Philippines – Lumabas sa imbestigasyon ng Provincial Engineering Office na tinipid ang semento at substandard ang bakal sa pundasyon kaya’t gumuho ang ginagawang pader sa Guiguinto, Bulacan.
Nakatakda namang magsampa ng kaso ang lokal na pamalaan sa contractor nito na si Jackson Lim at sa may-ari ng ginagawang warehouse na si Dante Chua.
Sa ngayon ay siyam sa labing isang patay sa insidente ay nakaburol na sa Metro Manila, habang ang dalawa pa ay iuuwi ng kanilang kaanak sa Bicol at Iloilo.
Nananatili naman sa Philippine General Hospital (PGH) ang isa sa apat na nasugatan upang patuloy na mamonitor ang kalagayan. (UNTV News)