MANILA, Philippines – Nagsisimula na ang Malakanyang na maghanap ng posibleng kapalit ni outgoing COMELEC Commissioner Sixto Brillantes Jr. na magreretiro sa darating na Pebrero.
Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Junior, nagsimula na ang vetting process para sa posibleng papalit kay Brillantes.
Ayaw munang magkomentaryo ng Malakanyang kung sino na ang napipisil ng pangulo upang maging bagong COMELEC chief.
Samantala, hihintayin muna ng Malakanyang ang resolusyon ng kongreso kaugnay ng panukalang postponement ng Sanggunian Kabataan election ngayong Pebrero bago magbigay ng posisyon ukol sa isyung ito.
Ngunit ayon kay Secretyary Coloma, nananatili ang posisyon ng pangulo na nararapat na magkaroon ng reporma sa sistema ng SK. (UNTV News)