NAGA CITY, Philippines – Iprinoklama na bilang representante ng 3rd District ng Camarines Sur ang maybahay ng namayapang dating Naga City mayor na si Jesse Robredo.
Naipanalo ni Atty. Leni Robredo ang laban sa botong 102,694 kontra kay Nelly Villafuerte na nakakuha lamang ng 31,364 votes.
Alas-11:00 Miyerkules ng gabi nang ideklara ng board of canvassers si Robredo. (UNTV News)