MAGUINDANAO, Philippines – Ipinroklama na ng provincial board of canvassers ng Maguindanao bilang gobernador si Esmael “Toto” Mangudadatu at ang running mate nito na tumatakbong bise gobernador na si Datu Lester Sinsuat.
Lamang si Mangudadatu ng mahigit 100-libong boto sa katunggali nito na si Hadji Tucao Mastura.
Ito na ang ikalawang termino ni Mangudadato simula ng maging gobernardor siya ng Maguindanao noong 2010. (UNTV News)