MANILA, Philippines – Simula na ngayong araw, Lunes ang voters’ registration ng Commission on Elections (COMELEC) para sa halalang pam-barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa Oktubre.
Sa sampung araw na registration period, maaari nang magpa-reactivate ng registration ang lahat ng mga naalis sa voters list noong nakaraang halalan.
Paalaala naman ng COMELEC, tanging sa mga opisina ng district election officer o local offices lamang isasagawa ang 10-day registration period.(UNTV News)