MANILA, Philippines — Suspendido ngayong araw ang klase sa elementary hanggang high school sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City kaugnay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino.
Ang suspensyon ay para na rin sa seguridad ng mga estudyante at upang maibsan ang pagbibigat ng trapiko sa pagdagsa ng mga dadalo sa SONA ng pangulo sa Batasang Pambansa.
Nagkansela na rin ng pasok ngayong araw ang Quezon City Polytechnic University-Batasan branch, habang ipinauubaya na sa Commission on Higher Education (CHED) at pamunuan ng paaralan ang pagkansela sa ibang kolehiyo at unibersidad.
Paalala naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi holiday ngayong araw kaya’t ipatutupad pa rin sa Metro Manila ang number coding scheme. (UNTV News)