Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pilipinas, pasok sa Top 10 ng 63rd Miss Universe

$
0
0

Ang pambato ng Pilipinas na si Ms. MJ Lastimosa na nakapasok sa Top 10 ng Miss Universe 2014. (AARON ROMERO / Photoville International / UNTV News)

MIAMI, Florida, USA – Kinoronahan bilang Miss Universe 2014 ang 22-anyos na si Miss Colombia Paulina Vega, habang itiinanghal namang first runner up si Miss USA Nia Sanchez.

Naging early-crowd favorite naman si Miss Philippines na nakapasok sa Top 10.

Samantala, isa sa naging hurado sa Miss Universe sa taong ito si People’s Champ Manny “Pacman” Pacquiao, na una nang nagpahayag ng personal na criteria para sa pagpili ng susunod na Miss Universe.

Ayon kay Manny, “hinahanap natin ay talent, beauty at kumpiyansa sa sarili.”

(Left-Right) Miss Universe 2014 Pauline Vega; Miss Universe judge Manny “Pacman” Pacquiao (AARON ROMERO / Photoville International / UNTV News)

Pahayag naman ni Louise Row, isa sa mga hurado ng Miss Universe 2014, “Being a Miss Universe, obviously you do have to be gorgeous. But I’m looking for a girl who is really enjoying herself up there. And has that spark behind her eye which is a little something else. I want to see her personality. Someone who is just living in the moment and is just taking it all in.”

Samantala, hindi man nakapasok sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si MJ Lastimosa ay masaya pa rin ang mga Pilipino sa buong mundo sa nagawa nito.

Narito ang listahan ng mga nagwagi sa Miss Universe 2014.
Miss Universe: Colombia

1st runner-up: USA

2nd runner-up: Ukraine

3rd runner-up: Netherlands

4th runner-up: Jamaica
National Costume: Indonesia

Miss Congeniality: Nigeria

Miss Photogenic: Puerto Rico

( RJ Alavazo / Ruth Navales, UNTV News)

Bagaman hindi pumasok sa Top 5 si MJ Lastimosa, bakas pa rin sa mukha ng mga kababayan nating nasa venue ang kaligayahan at paghanga para sa representante ng Pilipinas sa naturang patimpalak. (AARON ROMERO / Photoville International / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481