MANILA, Philippines – Kapwa pasok na sa 2nd round eliminations ng UNTV Cup season 3 and defending champion AFP Cavaliers at MMDA Black Wolves matapos mamayani sa kani-kanilang mga katunggali sa pagwawakas ng first round eliminations, Linggo ng gabi.
Bumawi ang Cavaliers sa tinamong pagkatalo sa GSIS Furies at ibinuhos ang ngitngit nito sa Senate Defenders para sa 88-77 na panalo.
Best player of the game si Ronald Pascual na nakapagtala ng 12 pts.
“Yung aming training grabe ang hirap parang ng back to basic kami ang hirap ng training namin for the past week kaya naging maganda outcome,” saad ni Ronald.
Sa second game, dumaan sa butas ng karayom ang MMDA Black Wolves bago nakuha ang 104-96 victory kontra sa NHA Builders.
Naging bayani si Ermel Idria na mayroong 19 pts., 4 assts., at 3 stls.
Nabalewala naman ang power performance ng dynamic duo ng NHA Builders na si Waldemar Tibay at Marvin Ladia na may combined 55 points.
Tiniklop naman ng Malacanang Patriots ang HOR Solons, 92-70 para sa four-game sweep nito sa Group A.
Dahil sa panalo, umusad ang Patriots at namaalam ang Solons sa torneo.
Pinangunahan ni Melvin Verches ang Malacanang sa pamamagitan ng 18 pts. at 8 rebs.
“Practice kami lahat dapat mag step-up, hindi lang ako di teammate ko pati coaching staff,” saad ni Melvin.
Magsisimula na ang 2nd round eliminations sa susunod na linggo kung saan makakalaban ng Group A ang Group B second round qualifiers. (JP Ramirez / Ruth Navales, UNTV News)