NEW ZEALAND – Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang bansa at nag-iwan ito ng pinsala sa ilang malalaking gusali kabilang na ang parliament building.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 57 kilometro sa katimugang bahagi ng Wellington na may lalim na 6.3 miles.
Tumagal umano ng ilang minuto ang pagyanig dahilan upang pansamatalang itigil ang biyahe ng tren.
Wala namang naitalang nasawi sa nangyaring insidente. (UNTV News)