Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. Franklin Drilon, hinirang bilang bagong Senate president ng 16th Congress

$
0
0
FILE PHOTO: Senator Franklin Drilon (UNTV News)

FILE PHOTO: Senator Franklin Drilon (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang bagong liderato ng Senado ngayong Lunes ng umaga, Hulyo 22.

Sa botong 17 konta 6, nahalal bilang bagong pangulo ng senado si Senador Franklin Drilon matapos i-nominate ni Sen. Sonny Angara at Sen. Grace Poe.

Kabilang sa mga bumuto ng pabor kay Drilon sina senador Bam Aquino, Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Francis Escudero, Teofisto Guingona III, Lito Lapid, Loren Legarda, Ferdinand “Bongbong” Marcos, Sergio Osmeña III, Aquilino “Koko” Pimentel III, Ralph Recto, Ramon “Bong” Revilla Jr., Antonio Trillanes IV at Cynthia Villar.

Bumoto naman pabor kay Sen. Juan Ponce Enrile sina senador JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Gringo Honasan, Vicente “Tito” Sotto III at Nancy Binay na nag-nominate rito.

Samantala, nahalal din bilang Senate President Pro Tempore si Senador Ralph Recto kapalit ni Senador Jinggoy Estrada matapos makakuha ngunanimous votes.

Wala ding tumutol na mga senador sa paghalal kay Senador Alan Peter Cayetano bilang majority floor leader at chairman ng committee on rules.

Otomatiko namang naging minority floor leader si dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Kaalinsabay nito, pinaalalahanan naman ni Drilon ang mga bagong senador na sina Grace Poe, Bam Aquino, Sonny Angara, JV Ejercito at Cynthia Villar na ilatag sa senado ang kanilang mga ideya.

Pinayuhan din nito ang mga baguhang senador na huwag mag-atubiling sumangguni sa mga senior senator

Umapela rin si Drilon sa mga kasamahan na isantabi muna ang political differences at magpokus sa hamon ng taumbayan na naghalal sa kanila.

Hindi naman nakadalo sa Senador Miriam Santiago sa pagbubukas ng sesyon ng 16th congress dahil sa kanyang chronic fatigue syndrome.

Si Santiago ay nag-file ng kanyang leave simula ngayong araw dahil magsisimula na bukas ang kanyang treatment sa hypertension at high cholesterol. (Bryan de Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481