MANILA, Philippines – Alas-10 ng umaga ngayong Huwebes ay inaasahang darating sa Villamor Airbase ang 42 bangkay ng mga tauhan at opisyal ng PNP-Special Action Force na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao.
Ang mga fallen heroes ng bibigyang pagpupugay ng Philippine National Police.
Pagdating sa Villamor Airbase ay ididiretso ang mga ito sa Special Action Force headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig para sa necrological service at pagkatapos ay maaari na ang mga itong iuwi ng kanilang mga pamilya.
Samantala, marami ang nagdala ng bulaklak sa Gate 1 ng Camp Crame sa Quezon City bilang pakikiramay sa mga kaanak ng mga nasawing PNP-Special Action Force. (UNTV News)