Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Importer ng mga bakal, kinasuhan ng smuggling sa DOJ

$
0
0

Mga sinampahan ng kaso ng Bureau of Customs mula sa Stellent Corporation dahil sa pagpapasok sa bansa ng steel products mula sa China na walang import commodity clearance. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Wala umanong import commodity clearance o ICC mula sa DTI-BPS permit ang Stellent Corporation sa pagpapasok sa bansa ng steel products mula sa China na nagkakahalaga ng P14.3 million.

Ito ang batayan ng Bureau of Customs (BOC) sa inihaing nitong smuggling complaint sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga opisyal ng naturang kumpanya.

Ang mga opisyal ng Stellent Corporation na kakasuhan ay sina Rico Rigor Cayunda Cinco (chairman of the board), board members Charmayne Dela Pena Angeles, Asuncion Peter Angeles, Maria Rhezy G. Ilada, Ruge Robert S. Ilada at Customs broker na si John Philip Malinao Yap.

“Ang kasalanan ng kumpanya ay nagpapasok siya ng angle bars na walang either import commodity clearance or certificate… kailangan ng import commodity clearance from Bureau of Philippine Standards from DTI,” ani Customs Commissioner John P. Sevilla.

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Bureau of Products Standards Law.

“Ang pwedeng mangyari is mga sub-standard na products na gagamitin sa construction noh ay… hindi mache-check kung name-meet quality standards so malaki ang piligro sa consuming public,” saad pa ni Sevilla.

Nalabag din nila ang Section 3601 at Section 101 ng Tariff and Customs Code of the Philippines ng Republic Act 7651.

Sa tala ng BOC, may apat na itong naghahain ng complaints sa DOJ na may kaugnayan sa illegal na importasyon ng construction materials noong 2014.

Nagpaalala rin ang Bureau of Customs sa mga importer na kumuha muna ng import commodity clearance upang masuri ang mga construction materials bago ipasok at ibenta upang maiwasan ang panganib na dulot ng sub-standard construction materials.

“Pinaalalahanan namin importers ng regualted products ayusin niyo muna ang requirements ninyo bago pa kayo mag-import para hindi mangyari ito,” dagdag pa ni Sevilla. (Aiko Miguel / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481