MANILA, Philippines – Duguan at halos hindi na gumagalaw ang isang motorcycle rider nang madatnan ng UNTV News and Rescue Team sa Reyna Regente, Binondo, Maynila pasado alas-3 ng madaling araw ng Huwebes.
Dahil sa kritikal na kundisyon ay agad na nagsagawa ng assessment ang grupo, nilagyan ng C-collar ang biktima at isinakay sa rescue mobile.
Sa loob ng rescue van ay kinuha ang vital signs at nilapatan ng paunang lunas ang matinding pagdurugo sa ulo ng biktima at agad dinala sa Jose Reyes Memorial Hospital.
Iniimbestigahan na ng Manila Traffic Bureau ang insidente upang matukoy kung self-accident o may nakasagi kay Quiambao. (Benedict Galazan / UNTV News) Edited by: Ruth Navales