MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa si Miss Philippines Mary Jean Lastimosa mula sa katatapos lamang na Miss Universe 2014 sa Doral, Miami, Florida.
Nitong tanghali ng Huwebes ay nagpatawag ng homecoming press conference ang pamunuan ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. para kay MJ sa Gloria Maris Gateway Mall sa Cubao.
Dito agad nilinaw ni MJ ang isyu ng hindi nila pagkakasundo ng local pageant head na si Ginang Estella Marquez Araneta matapos ang naging resulta ng naturang kompetisyon.
“Sobrang super-hug! She was so happy of the result although. She was very proud of the performance and she’s seen how I connected with the people there na talagang I really make friends tawag nga nila sa akin dun Miss Charming daw.”
Sinamantala na rin ng naturang beauty queen ang pagkakataon na manawagan sa mga kapwa Pilipino na nanghihinayang sa hindi nya pagkasungkit ng korona.
“Kung anuman yung resulta I’m just here to accept it kasi there’s nothing that I can do if I’m gonna dwell on things that I didn’t like because it didn’t happen, what I want didn’t happen. So ako, accept it, learn from it, move on and be happy,” saad pa ng dalaga.
Kasamang nagpakita ng suporta at sumalubong kay MJ ang mga kasalukuyang kandidata ng Binibining Pilipinas 2015.
Binigyan pa niya ng ilang pointers ang mga kandidata sa kanilang pagsabak sa mga international pageant.
Paalala nito, “This job is tough. It’s not gonna be easy, it’s not gonna be all beauty and glamour but if you’re willing to work for it, the passion is there, the heart is there, then just embrace the whole experience.” (Adjes Carreon / UNTV News) Edited by Ruth Navales