Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

UNTV Action Center, pinarangalan ng Civil-Military Operations AFP

$
0
0

Ang parangal na iginawad ng AFP Civil-Military Operations (CMO) sa UNTV Action Center dahil sa patuloy na pagsasagawa nito ng  public service sa ating mga kababayan. Ang parangal ay tinanggap ni UNTV Radio Station Manager Annie Rentoy (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinarangalan ng Civil-Military Operations (CMO) battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang UNTV (Your Public Service Channel) dahil sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayang nangangailangan.

Ang UNTV Action Center ang isa sa mga pangunahing katuwang ng CMO battalion sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa ating mga kababayan partikular ang mga isinasagawang medical mission ng istasyon sa iba’t-ibang panig ng bansa.

“UNTV becomes a constant partner already, nakikita namin na we can do more, we can do great, we can do big with UNTV,” pahayag ni Col. Ferozaldo Paul Regencia, commander ng Joint CMO Task Group at ang commanding officer ng CMO Battalion-NCR.

Ayon pa kay Regencia, isa ang UNTV sa kanilang napili dahil sa magkatulad na prinsipyo at adbokasiya nito sa militar.

“We were able to see our common interest and concer.”

“Ano yung gusto niyong mangyari sa community, yun din gusto namin sa CMO, anong gusto nyong maparating sa ating mga kababayan.”

Ang CMO Battalion ang isa sa mga kapartner ng UNTV Action Center sa pagbibigay ng serbisyo medikal, libreng gupit at libreng masahe sa mga isinasagawang UNTV People’s Day.

Ang UNTV Action Center ay isa lamang sa mga public service na ipinagkakaloob sa ating mga kababayan sa pangunguna ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon.

Bukod sa medical services, handog rin ng Action Center ang libreng assistance para sa mga social service tulad ng Philhealth at SSS membership.

Bukas ang UNTV Action Center, Lunes hanggang Biyernes, simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon o di kaya ay makipag-ugnayan sa mga numerong: 442-62-44 loc. 181. (Joan Nano, UNTV News) Edited by Ruth Navales


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481