Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mahigit 60 sugatan, 8 inaresto sa girian ng mga pulis at raliyista kaugnay ng SONA ng Pangulo

$
0
0
Bagaman nagpasimula ang demonstrasyon nang mapayapa, ito ay nauwi sa girian nang tangkaing umabante ng mga raliyista patungong Batasang Pambansa sa kabila ng mga barikadang inilagay ng Pambansang Pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan ng pagdaraos ng ika-apat na SONA ng Pangulon nitong Hulyo 22, 2013. (ALLAN LACHICA / Photoville International)

Bagaman nagpasimula ang demonstrasyon nang mapayapa, ito ay nauwi sa girian nang tangkaing umabante ng mga raliyista patungong Batasang Pambansa sa kabila ng mga barikadang inilagay ng Pambansang Pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan ng pagdaraos ng ika-apat na SONA ng Pangulong Benigno Aquino III nitong Hulyo 22, 2013. (ALLAN LACHICA / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines – Mahigit 60 ang mga sugatang pulis at raliyista matapos mangtangkang pumasok sa Batasang Pambansa ang militanteng grupo ilang oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinira ng mga raliyista ang metal divider na may barb wire sa pagnanasang makapasok sa Batasang Pambansa, subalit agad silang naharang ng mga pulis.

Dumaan ang ibang raliyista sa San Mateo Road, ilang metro lamang ang layo sa Batasan Complex.

Hindi naman nakaligtas si Bayan Muna Representative Satur Ocampo sa nangyaring girian sa pagitan ng mga pulis at mga raliyista.

“Nasa gitna kami ng pag-uusap at imbes na sagutin ang aming request ay umatake ang mga pulis kaya ang nangyari sa pagtutulakan nahulog salamin ko at natapakan kaya nasira yung isa,” pahayag ni Ocampo.

Samantala, nanatiling neutral si Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales sa naganap na kaguluhan sa pagitan ng pulisya at raliyista.

Sa kaniyang pagdalo sa SONA ng Pangulo, sinabi ni Rosales na kapwa may karatapang pantao ang mga raliyista at maging ang mga pulis.

“Ang raliyista din siguro dapat igalang ang karapatang pantao ng kapwa raliyista at mga pulis mismo, kasi maging sa pulis mayroon din silang karapatan pantao.”

Nagbanta naman ang kalihim na hindi mangingiming patawan ng karampantang parusa ang nagpasimula ng kaguluhan.

Ayon kay Rosales, nagpakalat siya ng human rights observer sa paligid ng Batasan Complex at maging sa Commonwealth Avenue upang i-monitor ang mga pangyayari.

“I have my CHR monitors there, I have my monitor there, titingnan ko at paiimbietigahan ko,” dagdag pa ni Rosales. (Mon Jocson, Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481