QUEZON CITY, Philippines — Mabilis na nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team kasama ang iba pang rescue unit ang mga nasugatang pulis at raliyista matapos magpang-abot ang dalawang panig sa Commonwealth Avenue ilang oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.
Magkakatuwang na nilapatan ng pangunang lunas ng Quezon City Police District-Health Service, Bureau of Fire Protection/EMS-NCR, Philippine Red Cross (PRC) at UNTV News and Rescue Team ang mga nasugatang pulis at raliyista.
Lima (5) sa mga pulis ang nilapatan ng first aid ng News and Rescue Team, kabilang dito si PO1 Renel Tamayo, PO1 Mark Anthony De Jesus, PO1 Jerome Realin, PO1 James Locsin, at si PO1 Warren Bong Panton na malubhang nasugatan.
Pito (7) naman sa mga sugatang raliyista ang nabigyan ng paunang lunas ng mga rumespondeng rescuer kabilang pa rin ang UNTV.
Sa pinakahuling tala ng PNP Advance Command Post, mahigit 20 pulis ang nasaktan at nasugatan, habang mahigit 40 sa mga raliyista.
Lahat ng mga ito ay inaresto ng Quezon City Police District (QCPD). (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)