Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Davao City Mayor Rodrigo Duterte, naniwalang hindi isasauli ng mga MILF ang kanilang mga nakuhang armas at gamit sa PNP-SAF

$
0
0

FILE PHOTO: Davao City Mayor Rodrigo Duterte (UNTV News)

DAVAO, Philippines — Ipinapalagay ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na imposible ng mabawi pa ng PNP ang mga armas at kagamitan ng mga napatay na SAF members sa sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25.

Kaugnay ito sa panawagan ng PNP OIC Chief Leonardo Espina na isauli ang mga baril at kagamitan na kinuha ng MILF sa kanyang mga napatay na tauhan.

Ani Mayor Duterte, “Sa armas? I don’t know, yung armas parang buhay nila yun doon. It is as if that their life you are asking.”

Sinabi rin ni Duterte na ang pagkuha ng MILF sa mga baril ng kanilang napatay sa labanan ay bahagi na nang tinatawag na “war booty”.

“Sinong magsasauli ng baril? Booty nila yun, prize nila. War booty ang tawag diyan.”

Ayon kay Duterte kung magpipilit ang PNP na mabawi ang mga armas ay magiging mitsa ito ng panibagong gulo.

Samantala, denipensahan ni Mayor Duterte ang kanyang naging pahayag ng dumalaw siya sa mga napatay na PNP commandos sa Camp Bagong Diwa upang magbigay pugay.

“Nagalit ang mga tao sa Manila kung bakit kinampihan ko daw ang mga MILF. Hindi ko kinampihan, sinabi ko sa inyo na nagalit ako kung bakit pinapasok ang pulis na hindi man sana dapat, bakit pinilit niyo?,” paliwanag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. (DANTE AMENTO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481